top of page

17,500, new record ng Joy sa nahugasang plato

  • Thea Janica Teh
  • Jul 2, 2019
  • 1 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Alam n’yo bang sa 495ml bottle ng Best Ever Joy, nahugasan ang halos 17,500 plates na inilatag sa San Juanico Bridge ng balikan o 2.16 kilometers? Yes, mga katsika, you read it right!

Kasabay ng paglulunsad ng bago at best formulation ng leading dishwashing liquid sa bansa, dinoble ng Joy ang kanilang record sa mga nahugasang plato sa isang bote ng Joy!

Ibinahagi ni Meir Yap, brand manager ng Procter and Gamble Philippines na sa patuloy na pagbibigay ng ‘best ever life’ ng Joy sa pamilyang Pilipino ay ipinakilala nila ang Best Ever Joy na mas maraming nahuhugasang plato sa isang bote lamang. Hindi lang nakatipid ang pamilyang Pilipino, mas nagkaroon pa sila ng time para sa kanilang pamilya dahil napakadaling hugasan ang mga plato kapag Joy ang ginamit.

Patunay na rito ang nangyari sa Tacloban City noong June 23, dahil naihilera ang mga nahugasang plato gamit ang Joy sa San Juanico Bridge, back and forth! Nakisaya rin at naki-Best Ever Joy ang ilang mga celebrity at blogger tulad nina Jolina Magdangal-Escueta, Rufa Mae Quinto at Momi Berlin.

Ipinagdiriwang din ang pagbibigay ng Joy sa SOS Children’s Village, Alabang bilang beneficiary para sa ‘best ever meal’ na matitikman ng bawat bata roon.

Para sa iba pang detalye, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook Page sa https://www.facebook.com/JoyPhilippines/

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page