Anak ni Mega, dedma… KALAT NA: KC, BINUNTIS LANG, INIWAN DIN NG FRENCH BF


MALAKI na ang ipinagbago ni KC Concepcion, ‘di na siya pumapatol sa mga bashers. Mas binibigyan na niya ng atensiyon ang mga nagpo-post ng pleasant o magagandang topics.
Ipinagkibit-balikat niya ang tsikang preggy siya pero nag-split sila ng French boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart. Katuwa nga at tipong ridiculous, ‘di ba? Kung kailan nagbuntis ay saka nakipag-break?
Meanwhile, happy ang panganay nina Megastar Sharon Cuneta at debonair Gabby Concepcion sa long-distance relationship nila ng Frenchman. Hinihintay na ng kanyang mga fans kung kailan ang kasalan.





Comments