Pinakamalaking oil refinery sa U.S,, sumabog
- Jersey Sanchez
- Jun 25, 2019
- 1 min read
NAGKAROON ng pagsabog at sumiklab ang sunog sa pinakamalaking oil refinery sa East Coast.
Ayon sa mga awtoridad, naitala ang ilang minor injuries habang ligtas na malanghap ang hangin sa lugar.
Ayon kay Craig Murphy, deputy fire commissioner, contained at kontrolado na ang sunog sa Philadelphia Energy Solutions Refining Complex pero, patuloy ang apoy.
Nabatid na naganap ang pagsabog pagkalipas ng 20 minuto nang sumiklab ang sunog.
Limang refinery workers ang ginamot dahil nagtamo ang mga ito ng minor injuries.
Ayon sa awtoridad, naganap ang sunog sa tangke na malapit sa mga kemikal.
Ang 150-taong refinery complex ay nagpoproseso ng libu-libong bariles ng langis kada araw.
Ang krudo ay ginagawa ng refinery na gasoline, jet fuel, propane, home heating oil at iba pang produkto.





Comments