Paiimbestigahan daw, pero… SIYETE, TAMEME PA RIN SA AKSIDENTE NI MANOY EDDIE
- BULGAR

- Jun 25, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

INIIMBESTIGAHAN ng OSHC (Occupational Safety and Health Center) ang aksidenteng nangyari sa veteran actor na si Eddie Garcia sa set ng upcoming serye ng GMA- 7 na Rosang Agimat.
Hunyo 8 nang magulat ang lahat matapos malagay sa alanganin ang buhay ni Manoy Eddie nang mapatid ito sa kable habang nagsu-shooting at nagtamo ng neck fracture at dalawang linggong na-comatose.
Noong June 20, tuluyan na ngang binawian ng buhay ang award-winning actor-director sa edad na 90.
Ayon kay Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello, ang OSHC ang sangay ng DOLE na nakatoka at namamahala sa nasabing imbestigasyon.
“It is not the DOLE that will investigate but the Occupational Safety and Health Center Executive Director Noel Binag. It’s ongoing,” pahayag sa ulat na inilabas noong Sabado ng Philippine News Agency.
Aalamin din daw ng OSHC kung may “compliance on OSHC rules and standards” ang set ng programa ng Kapuso Network.
Ang OSHC ang ahensiya na naninigurado na ligtas ang lahat ng manggagawa sa kahit anong hazardous conditions sa trabaho na puwedeng maging sanhi ng sakit, aksidente o kamatayan.
“Need bigyan ng value workplace ang mga workers, napakahalaga nu’n,” pahayag pa ni DOLE Sec. Bello.
Bukod dito ay ibinahagi ng Labor secretary na dati na siyang naghain ng resolusyon sa Kongreso upang pormal na kilalanin si Eddie sa kanyang naging malaking ambag sa industriya.
Aniya, “I sponsored a resolution recognizing the work of Eddie Garcia as a reputable movie actor. He’s one actor who’s very famous, was never involved in any scandal unlike some. He was given recognition by Congress.”
Pinirmahan ni President Rodrigo Duterte noong 2018 ang OSH Law o Republic Act. No. 11058, “An Act Strengthening Compliance with Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties for Violations.”
Layunin ng batas na masiguradong ligtas at nasa maayos na kondisyon ang working environment ng lahat ng manggagawa.
Samantala, nang lumabas ang video ng veteran actor kung saan makikitang napatid siya sa isang wire, nagpahayag ang GMA-7 Management na magsasagawa rin sila ng imbestigasyon, pero hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na resulta ang istasyon.





Comments