Bebot na nahihirapang makipagkaibigan

Dear Roma,
Ako si Stacey, nahihirapan akong makipagkaibigan dahil naiilang ako sa ibang tao. Kaunti lang ang kaibigan ko dahil sa tuwing nakikipagkaibigan ako, feeling ko sarado ang pinto nila para sa akin. ‘Yung kahit na pinipilit kong sumama at maki-jive sa trip ng iba, wala, nale-left-out lang ako. Minsan, gusto kong magkaroon ng kaibigan kasi kapag may kaibigan ka, may handang makinig sa iyo sa tuwing hinang-hina ka na at gusto mo ng umiyak. Ano ang dapat kong gawin para magkaroon ako ng mga kaibigan? — Stacey
Stacey,
Alam mo sis, minsan, ang pakikipagkaibigan, hindi rin masasabi kung kailan darating dahil may instances na dumarating sila sa oras at panahon na hindi mo inaasahan.
Ang social anxieties ay sadyang nakaaapekto sa pakikihalubilo natin. Mahirap itong labanan, lalo na kung pakiramdam mong mag-isa ka lang, pero ngayon, maging patient ka. Huwag mong madaliin ang pakikipagkaibigan, lalo pa at napakaraming nagte-take advantage. Ang pagkakaroon ng tapat at tunay na kaibigan ay dumaraan sa maraming pagkilatis at mahaba-habang panahon. May mga tao kasi na akala mo kaibigan mo, pero sa huli, iiyak ka rin pala nang dahil sa kanila. Isa pa, huwag mong piliting maki-jive o makisayaw sa agos ng trip nila lalo na kung sa tingin mong mali ang ginagawa nila o kaya ay hindi naman ito makabubuti para sa iyo. Sa ngayon, enjoy-in mo lang ang companionship mo sa iyong sarili. Sa ganitong paraan, mas malalaman mo ang iyong self-worth. ‘Ika nga, love yourself! Kapag natutunan mo ng mahalin at tanggapin ang sarili mo, ru’n ka tatanggapin ng ibang tao kung sino ka at kung ano ka talaga. Just be yourself! You don’t have to be anybody else para tanggapin ka ng iba at ituring na kaibigan. ‘Yun lang, God bless you!





Comments