top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lumilipad at tumutulong sa kapwa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 24, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Rymaold ng Rymaold_Labor@face-book.com

Dear Professor,

Sa panaginip ko, ang taas ko raw lumipad, tapos, may tinulungan akong tao kung saan bi­nuhat ko siya kahit ma­bigat siya, tapos, inila­gay ko siya sa ligtas na lugar habang ako ay li­pad lang nang lipad.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Rymaold

Sa iyo Rymaold,

Bawat isa sa atin ay mayroong tinatawag na “the hero within.”

Kaya sa panaginip, lu­mabas ang pagiging hero mo, pero sa tunay na bu­hay, bilang pagtata­pat sa iyo ay hindi mo ma­ilan­tad ang pagiging bayani mo.

Ito ay dahil wala kang kakayahan dahil mahirap ka lang at napabibilang ka sa mga pangkara­ni­wan kaya masasabing ang li­kas mong pagiging matu­lungin ay hanggang sa iyong isip lang, kum­baga, gusto mong tumu­long, pero hindi mo ito magawa.

Pangarap mong mag­tagumpay sa buhay at ma­abot ang matataas mong pangarap, kaya lang nga­yon, hanggang pangarap lang muna ito.

Naglalaro rin sa iyong isipan na kapag sinuwerte ka ay iiwanan mo nang milya-milya ang mga kasa­bayan mo, muli, ito ay nasa isip mo pa lang.

Magagawa mo ba ang mga pangarap mong ito sa hinaharap? Ang sagot ng panaginip mo ay ma­laking oo.

Makikitang anuman ang maranasan mo at mang­yari sa iyo, mana­natiling bu­hay at maalab ang ningas ng iyong mga pangarap.

Hanggang sa muli, Professor Siegusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page