Para sa mga mahihilig sa horror at challenges diyan… ASYLUM MANILA, MAE-EXPERIENCE NA!
Bulgarific Lifestyle

TUWING buwan ng Nobyembre, ginugunita natin ang Halloween, pero knows ba ninyo na puwede rin natin itong gunitain anytime? Yes mga besh, tama ang nabasa ninyo dahil anytime of the year ay maaari na nating takutin ang ating mga sarili, isama mo pa ang iyong barkada at pamilya!
Ang Asylum Manila ay matatagpuan sa #1148 E Rodriguez, Sr. Ave, New Manila, Quezon City. Sa ilang sakay lang ay mae-experience na natin ang much awaited Halloween special sa buong taon.
Ang Asylum ay nagbukas noong 1939 bilang premier psychiatric medical institution para sa mga criminal insane. Ilang dekada itong inabandona at ngayong 2019, nagbukas muli ang Asylum, ngunit, hindi na para sa mga criminal insane kundi para sa mga matatapang nating beshy na kayang maka-survive sa ganitong lugar at pagkakataon.
Makikita natin dito ang iba’t ibang live actors, horror movie style scares at mararanasan natin dito ang Hollywood quality special effects.
Ito ay bukas mula 4:00pm hanggang 12:00am. Maaari rin silang magbukas ng mas maaga o mas late para sa mga special event at holiday kaya mas mabuting tumawag muna sa kanilang opisina para sa reservations.
Ilang paalala lang, mga besh, mayroon itong age limit, hindi maaaring makapasok ang edad 12 pababa. Bukod pa rito, iwasan din ang pagsusuot ng high heels, mamahaling alahas at kasuotan dahil maaari itong madumihan, masira o mabasa dahil intense sa loob ng Asylum. Iwasan din ang pagdadala ng malaking bag at pagsusuot ng costume o mask.
Ipinagbabawal din ang pagpi-picture at pagbi-video sa loob kaya mas mabuting iwanan ang inyong mga cellphone sa inyong sasakyan para maiwasan din itong mawala. Mahigpit ding ipinagbabawal na pumasok ang mga may health condition problem tulad ng sakit sa puso o skeletal problem, gayundin, ang mga buntis.
Siyempre, sa sobrang intense ng mga attraction, magugutom tayo kaya ‘wag ng alalahanin ang food dahil mayroon ditong snack bar at hindi puwedeng magpasok ng pagkain galing sa labas.
Ang ticket? Kering-keri mga besh, heto ang kanilang rates: Php699 (weekdays); Php799 (Fri-Sun) at Php1,200 VIP Pass o hindi na kailangan pang pumila o maghintay. May Php100 discount din ang mga estudyante, kaya dalhin at ipakita ang ID sa ticket booth. May special rate rin para sa mga group of 20 kung kasama ang buong barkada!
Para sa iba pang detalye, maaaring bumisita sa kanilang website sa https://asylummanila.com/ o tumawag sa 0945-3007408/ 0945-3007404/ 0947-4612808/ 0947-4612707. Taralets mga besh at siguraduhing isasama si crush para rito man lang ay mahawakan natin ang kanilang kamay. Charot!





Comments