2 malakas na lindol tumama sa China
Dalawang malakas na lindol ang yumanig sa Sichuan, China noong Lunes ng gabi (Philippine time).
Ayon sa United States Geological Survey (USGS), unang yumanig ang Magnitude 5.9 na lindol sa Changning County na sinundan ng Magnitude 5.2 paglipas ng halos kalahating oras.
Nabatid na parehong may lalim na 10 kilometro ang dalawang pagyanig.
Samantala, isa na ang naiulat na nasawi dahil sa insidente.
Ayon sa Chinese State media, naramdaman ang lindol sa major cities sa Southwestern China kabilang ang ChenGdu, provincial capital ng Sichuan at City of Chongqing.
Kalat ngayon sa social media ang mga larawan ng cracks sa ilang building, mga basag na salamin at mga taong nagtatakbuhan palabas ng mga establisimyento.
Patuloy ang isinasagawang rescue operations sa Sichuan.
Matatandaang, noong Mayo 2008, isang malakas na pagyanig ang tumama sa Sichuan na ikinasawi ng 70,000 katao.





Comments