Iba pang investment scam, target ng PNP
- Jeff Tumbado
- Jun 19, 2019
- 1 min read

PATULOY ang pagkilos ng Philippine National Police (PNP) laban sa naglipanang mga investment scam sa bansa.
Base sa ulat ni Police Major General Amador Corpus, maliban sa KAPA Community Ministry International, apat na investment companies pa ang sinalakay ng kanilang mga tauhan.
Ito ang Organico, Regin E, Ada Farm at Ever Arm na karamihan ay nasa Mindanao ang operasyon.
Sinabi ni Gen. Corpus, sa ginawang pagsalakay, wala na silang inabot na mga tao sa mga opisina kundi mga dokumento na lamang ang kanilang nasamsam.
Paliwanag pa ng opisyal, ang mga establisimyento na kanilang sinalakay ay may permit mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) pero, kulang pa ito ng isang permit na sale of securities para maituring na investment company.
Samantala, ipinaubaya na ng CIDG sa NBI ang pag-iimbestiga sa KAPA, habang sila ay nakatutok sa iba pang investment scam companies.








Comments