2 bigtime tulak tiklo sa drug-bust
CAMARINES SUR—Dalawang bigtime drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. Tarusanan, Milaor sa lalawigang ito.
Nakilala ang mga suspek na sina Alex Salcedo at Rolly Recto, kapwa nakatira sa naturang lalawigan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 500 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na sina Salcedo at Recto na kapwa nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments