Nabulgar, kaya magkasama... JOHN LLOYD AT BEA, NAGSU-SHOOTING SA PALAWAN

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

HINDI lang pala basta nagkita kundi may isinu-shoot pala sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa Palawan.
May kumakalat kasi ngayong video ng dalawa na mukhang BTS (behind the scenes) ng proyektong ginagawa nila. Hindi pa sigurado kung pelikula ito, music video, photoshoot o advertisement, pero marami nang netizens ang natutuwa na makitang magkasama ang dating sikat na love team.
Minahal kasi ng madlang pipol ang dalawa nang maging magka-love team sa pelikulang One More Chance, kung saan ginampanan nila ang karakter nina Popoy at Basha na nasundan pa ng sequel na may titulong A Second Chance.
Mapapanood din sa video na komportableng-komportable pa rin si John Lloyd habang kasama si Bea dahil patawa-tawa lang ito.
Well, hitsura lang talaga ni John Lloyd ang nagbago pero siya pa rin ang JLC na nakilala at minahal ng marami.





Comments