top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Dahil sa mga ebidensiyang matibay at may ipinaglalaban... KATARUNGAN PARA SA MGA BIKTIMA NG DENGVAXI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2019
  • 6 min read

BULGAR DAING MULA SA HUKAY... HUSTISYA

PAO CHIEF PERSIDA ACOSTA / DAING MULA SA HUKAY HUSTISYA

MAY kahilingan ang mga tao kung saan mula sa kamusmusan o sa panahon ng kabataan ay nagbibigay na ito ng maagang pahiwatig kung ano ang tatahakin nila sa buhay, halimbawa, sa magiging propesyon nila o adbokasiya. Si Calvin Jhon Soriano, labintatlong (13) taong gulang ay mahilig maglaro ng basketball at may gilas ng mahusay na basketbolista. Kung si Calvin Jhon kaya ay nabigyan ng mga angkop na pagsasanay at suportang walang humpay, maaari kaya siyang ma­ging sikat na basketbolista o kaya ay maging lider ng mga kabataan na magtataguyod ng isports? Kaysarap pangarapin ng positibong mga sagot para rito, ngunit, kaysakit isipin na hanggang pangarap na lamang ang mga ito at hindi na kailanman mabibigyan ng katupa­ran dahil si Calvin Jhon ay wala na sa mundong ating ginagalawan.

Siya ay namatay noong Mayo 30, 2019 sa ospital sa Maynila. Siya ay naturukan ng Dengvaxia sa health center sa Pasig noong Oktubre 27, 2017. Si Calvin Jhon ang pang-isandaan at tatlumpu’t lima (135) sa mga naturukan ng Deng­vaxia, nakaranas siya ng sintomas, common pattern of 4 serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, vis­cerotropism, neurotropism & increase in severity of dengue disease) na consistent sa Sanofi declaration sa Food and Drug Administration (FDA) noong Disyembre 22, 2015 at namatay na sumailalim sa forensic examination ng Public Attorney’s Office (PAO) Forensic Team, pagkatapos na hi­ngin ang serbisyo nito ng pamilya ng yumao. Binibigyan din sila ng kailangan nilang libreng serbisyo-legal ng aming tanggapan sa pangunguna ng inyong lingkod na siyang aming tugon sa kanilang mga kahilingan.

Si Calvin Jhon ay unang nakaranas ng lagnat noong Ok­tubre 30, 2017, tatlong araw matapos siyang maturukan ng Dengvaxia. Ito ay tumagal nang dalawang (2) linggo. Nagrek­lamo rin siya noon ng pananakit ng kanyang kasu-kasuan, ulo at tiyan. Aniya, parang may kumakalkal sa kanyang ti­yan sa tu­wing sumasakit ito. Sa mga panahong ‘yun, siya ay nanghi­hina at palaging nagpapahilot sa kanyang mga magulang na sina Gng. Juvelyn at G. Nestor Soriano dahil pakiramdam niya ay parang nilalamog ang kanyang katawan. Pinainom din siya ng kanyang mga magulang ng paracetamol at ibupro­fen, pero bumabalik din ang mga masasamang nararamdaman niya sa katawan. Bumuti ang kanyang kalaga­yan sa mga su­mu­nod na araw matapos ang dalawang linggong pagkaka­sakit niya, ngunit, si Calvin Jhon ay nagkalagnat ulit noong Disyembre 11, 2017. Ito ay tumagal muli ng dalawang (2) linggo. Parehong karamdaman ang kanyang naranasan tulad ng mga naranasan niya noong nagkasakit siya nang Oktubre hanggang Nobyembre 2017. Umaayos nang bahagya ang kan­yang pakiramdam sa tuwing pinaiinom siya ng paraceta­mol at ibuprofen.

Noong Enero 26, 2018 ay parang bangungot na guma­gambala sa tulog ng mag-asawang Nestor at Juvelyn ang pagkakaroon muli ng lagnat ni Calvin Jhon, gayundin ng mga nangyayaring pagbabago noon sa kalusugan nito. Ang pagka­gambala sa kanila ay bunsod ng mga balita hinggil sa mga batang nagkakasakit at pumanaw dahil sa pagkakabakuna ng Dengvaxia. Para maibsan ang kanilang pangamba, dinala nila ang kanilang anak sa doktor at ipi­nasailalim sa hematology exa­mi­nation para malaman ang plate­let count nito. Base sa resulta ay normal naman ito, ngu­nit, nang dumating ang mga buwan ng Marso, Hunyo at Set­yembre 2018, nag­pabalik-balik pa rin ang mga ma­sasama at kakaibang na­raram­da­man sa katawan ni Calvin Jhon. Ang mga ito ay ang pagka­karoon niya ng lagnat, pana­nakit ng ulo, tiyan at ng kanyang mga kasu-ka­suan. Nagpatuloy ito noong Dis­yembre 2018.

Ang kondisyong ito ni Calvin Jhon ay na­­sundan ng pagbabago sa kanyang ugali, pamamanhid ng ibabang bahagi ng kanyang katawan, pagkakakuba ng kanyang likuran at iba pang karamdaman na lubhang naka­pagpaiba sa pisikal niyang katawan at isipan. Narito ang bahagi sa salaysay ng kanyang mga magulang:

“Noong buwan ng Disyembre 2018 ay napansin namin ang pagbabago sa ugali ng aming anak. Siya ay naging bugnutin at na­nanakit dahil ma­dali na siyang mapi­kon. Nagrereklamo rin siya ng pananakit ng kanyang tagi­liran. Sa pag-aakalang san­hi ito ng kanyang pagla­laro ng basketball ay hinihi­lot lamang namin ang kan­yang katawan. Noon ay hin­di na rin nakatutulog nang maayos ang aming anak da­­hil sa sakit ng katawan at sobrang pang­hihina. Siya ay dinala namin sa klinika at niresetahan siya ng antibiotics. Ginawan din kami ng referral para isailalim sa iba pang pagsusuri ang aming anak.” (Binigyang-diin)

Noong ika-20 ng Marso 2019 dahil hin­di bumubuti ang kalagayan ng aming anak ay nag-follow-up check-up kami. Ang aming anak ay niresetahan ng mga gamot para sa pananakit ng kanyang katawan. Noong ika-26 ng Marso 2019 ay isinailaim sa spine x-ray ang aming anak. Ayon sa resulta ay spasm daw ang nararanasan ng aming anak. Noon ay namamanhid ang ibabang bahagi ng kanyang katawan at siya ay nakukuba. Hirap na rin siyang matulog nang nakahilata.” (Binigyang-diin)

Noong ika-1 ng Abril 2019 ay ibinalita sa amin ng aking kapatid na si Ka­ren Soriano ang mga masasamang na­ra­ramdaman ng aming anak. Noon kasi ay nasa Laguna ka­ming mag-asawa dahil nan­du’n ang aming hanapbuhay. Ang aking Ate Karen ang pa­ngunahing tu­mitingin sa aming anak noong panahong nag­­bakasyon ang aming anak sa Rosario, Pasig. Ayon sa aking Ate Karen ay hindi ma­ayos na nakakakain ang aming anak na naging sanhi ng pagbagsak ng kanyang ka­tawan. Siya rin ay hirap nang tumayo noon at hindi nakalalakad. Dagdag pa niya, hindi nakatutulog nang maayos ang aming anak dahil sa pananakit ng kanyang katawan at mga binti.” (Binigyang-diin)

Dahil palala nang palala ang mga ma­sasamang nararamdaman sa katawan ng aming anak ay isinugod siya ni Ate Karen sa ospital noong ika-5 ng Abril 2019. Siya ay isinailalim sa iba’t ibang pagsusuri. Base sa resulta ng x-ray ay posibleng may TB sa buto ang aming anak at dahil hindi nawawala ang pananakit ng kan­yang likod at tagiliran ay in-admit ang aming anak noong ika-6 ng Abril 2019. Noon ay may bukol din ang ulo ng aming anak at ito ay kumalat sa mga su­­mu­nod na araw. Namaman­hid ang iba­bang bahagi ng katawan ng aming anak.” (Bi­nigyang-diin)

Pott’s disease at HIV (human immu­no­defi­ciency virus), dalawang kondisyong me­dikal na narinig ng mag-asawang Nestor at Juvelyn mula sa mga doktor na maa­aring sanhi ng mga nara­ramdaman ng kanilang anak. Anila: “Noong ika-16 ng Abril 2019 ay isi­nailalim sa MRI ang aming anak at doon ay nakitang siya ay may Pott’s disease. Inire­komenda ng doktor na isailalim siya sa biopsy. Hindi bumuti ang kalagayan ng aming anak sa mga sumunod na araw.” (Binigyang-diin)

“Dahil kinakailangang i-biopsy ang aming anak, noong ika-5 ng Mayo 2019 ay inilipat namin siya. Doon ay inulit ang pag­susuri sa aming anak at kinumpirma ng dok­tor na may Pott’s disease ang aming anak.” (Binigyang-diin)

“Noong ika-16 ng Mayo 2019 dahil hindi malaman ng doktor kung bakit mabilis ang pagkalat ng nana sa katawan ng aming anak ay isinailalim siya sa HIV test. Base sa resulta ay negatibo sa HIV virus ang aming anak. Lumala ang kondisyon ng aming anak sa mga sumunod na araw. Siya ay humina nang humina at patuloy na nagrereklamo sa la­bis na pananakit ng kanyang katawan.” (Bi­nigyang-diin)

Ang tuluy-tuloy na panghihina at pa­na­nakit ng kanyang katawan ay hindi na naka­yanan ni Calvin Jhon. Ang mapait na hu­ling yugto ng kanyang buhay ay isinalay­say ng kan­yang mga magulang:

Noong ika-30 ng Mayo 2019 ay may nakitang tubig sa baga ng aming anak. Siya ay in-intubate dahil siya ay hirap huminga. Tinanggal din noon ang tubig na namuo sa kanyang baga. Pagsapit ng alas-onse (11:00) ng umaga ay nag-agaw-buhay ang aming anak. Siya ay sinubukang i-revive ng doktor, subalit, pagsapit ng pasado alas-dose (12:00) ng tanghali ay tuluyan nang pumanaw ang aming anak.”

Ang Pott’s disease at iba pang mga na­ramdaman ng yumaong si Calvin Jhon ay tila alien mula sa ibang planeta na lumusob at lu­mapastangan sa kanyang murang katawan. Hindi mawari ng kanyang mga magulang ang tila hiwagang bumabalot sa kanyang naging kamatayan. Anila, “siya ay malakas, aktibo, malusog at masiglang bata. Dagdag pa rito, siya ay mahilig maglaro ng basketball at kailanman ay hindi pa siya nagkasakit nang malubha at kinailangang maospital maliban na lamang nitong nagkasakit siya na sanhi ng kanyang agarang pagpanaw.”

Nang dahil sa palaisipan sa mga magulang at buong pamilya ni Calvin Jhon ang sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay, napagpasya­han nina Gng. Juvelyn G. Nestor Soriano na humingi ng tulong sa inyong lingkod at sa PAO Forensic Team. Ang naturang palaisi­pan ay hindi mananatiling misteryo. Nabibi­lad na ang katotohanan hinggil sa Dengvaxia Death Syndrome (DDS). Sapat na ang mga ebidensiya na natuklasan ng PAO Forensic Team sa mga labi ng mga biktima na sumu­suporta sa DDS. Magkakasang-ayon o consistent ang nasabing mga ebidensiya. Lalo pa at may pag-aaral noong 2008 ang World Health Ordganizations(WHO) tungkol sa masamang dulot ng dengue viruses at 4 strains ng dengue viruses ang inilagay sa backbone na “yellow fever vaccine”. Ang nakalulungkot dito, ang critical stage of severe dengue pala ay may mga “mimics”o ginagaya na sakit ng multi-organ na sanhi ng may pamamaga at pagdurugo nito (https://www.who.int/tdr/publications/documents/dengue-diagnosis.pdf ). Dahil dito, ipinanalangin ko na mabuhay ang pag-asa ni Calvin Jhon at ng iba pang mga biktima sa kabilang buhay na makakamit din natin ang ta­gumpay. Ang pag-asang ito ay makatutulong sa pagtuldok sa mga pagpaparamdam nila na sanhi ng kanilang pagkabalisa.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page