Mga naging adik, gustong may matirhan… ROBIN, IDINONEYT ANG FARM PARA TAYUAN NG REHAB
- BULGAR

- Jun 13, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

KINUHANG poster boy ng Department of Agriculture si Robin Padilla at kasama sa pagbo-volunteer niya ang tumulong sa mga promotions and marketing programs ng ahensiya. Nakasulat ang “Robin has volunteered to help” at ibig sabihin nito, wala siyang suweldo.
Kaya hindi namin maintindihan ang galit at pagkontra ng ibang tao sa pagkuha kay Robin ng DOA para ilapit sa mga consumers ang produktong hina-harvest ng mga farmers.
Nag-volunteer din si Robin na mag-host ng TV show na ilalabas sa social media na magpapakita sa mga benefits at profits sa farming at fishing. This June na raw sisimulan ang show ni Robin.
Heto pa, walang kinalaman sa farming ang gagawin ni Robin na i-develop ang 5-hectare farm niya sa Barangay Nueva Vida, M’lang, North Cotabato na model farm at magiging rehabilitation center ng mga former drug dependants.
Nagsimula na nga sa kanyang trabaho si Robin. Hindi lang mangga ang ibinebenta niya, pati fresh highland and lowland vegetables, coconut, commercial rice at iba pang agri-based food products.





Comments