Hindi patas na eleksiyon pinalagan | 100 RALYISTA, INARESTO
Jersey Sanchez
Jun 12, 2019
1 min read
MAHIGIT 100 katao ang inaresto ng pulisya sa Kazakhstan dahil sa pagsasagawa ng kilos-protesta habang isinasagawa ang halalan.
Ginanap ang halalan matapos bumaba sa puwesto ang kanilang lider na si Nursultan Nazarbayev.
Napili ng 78-anyos na pangulo si Kassym-Jomart Tokayev bilang Interim President.
Ayon sa mga nagprotesta at oposisyon, hindi patas ang isinasagawang halalan.
Ito ang unang halalan na isinagawa sa bansa matapos ang 30 taon.





Comments