top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pag-IBIG Fund, record-breaking ngayong 1st quarter ng taon!

Thea Janica Teh
Jun 11, 2019
2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Sa unang tatlong buwan ng 2019, naglabas ang Pag-IBIG Fund ng record-breaking na Php11.67 bilyon para sa multi-purpose loan (MPL) o cash loans para matulungan ang halos 571,681 miyembro!

Kada taon ay nadarag­dagan ng 7% ang nadi-disburse ng MPL at nalagpasan ang Php10.92 bilyon noong isang taon. Ang bilang ng mga miyembrong nakakuha ng kanilang MPL at perang nailabas ng programang ito ang naitalang pinakamataas noong buwan ng January hanggang March.

Ibinahagi ni Chairperson of the Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at Pag-IBIG Fund Board of Trustees Secretary Eduardo D. del Rosario na ito ay isa lamang sa patunay ng Pag-IBIG Fund na tulungan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay sa mga miyembro ng ahensiya ng abot-kayang loan.

Ang mga qualified member sa MPL program ay maaaring manghiram ng halos 80% ng kanilang total Pag-IBIG Regular Savings. Pasok dito ang kanilang monthly contribution, employer’s contribution at accumulated dividends. Ang loan ay payable sa loob ng 24 months at may interest rate na 10.5% per annum.

Bukod sa housing loan program, ang MPL program ay maaaring gamitin sa tuition fees, medical expenses, minor home improvement, capital for business o kahit vacation expenses!

Hindi lang ‘yan, dahil sa pag-upgrade ng system noong isang taon, madali ng mapa-process ang application ng mga miyembro at maaari na nilang makuha ang loan sa average of 1.7 working days.

Sa total na Php12.05 bilyon, naglabas ang Pag-IBIG Fund para sa short term loan at halos 593,269 miyembro ang nakinabang! Kabilang na rito ang inilabas para sa MPL program at Calamity Loans.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page