Paalala na pag-aralang mabuti ang pagpasok sa relasyon

Salaminin natin ang panaginip ni Jacob ng Jacob_Nicole@face-book.com
Dear Professor, Nanaginip ako ng damit na pula, tapos, nu’ng inamoy ko, ito ay mabaho. Ano ang ibig sabihin nito? Salamat!
Naghihintay, Jacob
Sa iyo Jacob, Hindi nakapagtataka ang damit na mabaho ang amoy kapag ito ay hindi nalabhan nang mabuti. Hindi rin nakapagtatakang ma-in love ka sa taong hindi mo nakilalang mabuti.
Ang pakikipagrelasyon ay tulad din ng damit na isusuot, pagkatapos ay huhubarin at papalitan ng bago. Ang kulay red ay kulay ng pag-ibig na maalab.
Kaya ang iyong panaginip ay simpleng nagsasabi na ingatan mong ma-in love sa taong hindi mo pa kilala ang ugali at pagkatao.
Alam mo, iha, ang pakikipagrelasyon ay sinasabing hindi tulad ng kaning mainit na kapag isinubo mo at napaso ka ay iluluwa mo na lang basta-basta.
Sa ngayon, ganyan mismo ang nangyayari hindi lang sa mga relasyon ng magkasintahan kundi maging sa pag-aasawa, kaya hindi nakagugulat na marami ang kaagad na nagkakahiwalay.
Maiiwasan ito kung susundin ang mga sinaunang kaugalian kung saan sinusubukan muna ng bawat isa ang kanilang pagkatao.
Ang numero-uno at pinakamahalaga ay dapat matagal ang pagliligawan o hindi agad-agad sinasagot ng “oo” ang nanliligaw.
Kaya lang malabo na itong sundin ng makabagong henerasyon dahil ang kalakaran ngayon ay “just go with the flow”.
Hindi lang ito makikita sa pakikipagrelasyon dahil kahit sa pagpapayaman, ito rin ang ginagawang patakaran kung saan ito rin ang dahilan kung bakit marami ang nai-scam.
Kaya bago ka muling pumasok sa relasyon, pag-aralan mo muna ito nang mabuti.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments