top of page

Mga produktong pampaganda, tiyaking safe!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 7, 2019
  • 1 min read

USUNG-USO ngayon ang mga produktong pampaganda.

Gayunman, marami sa mga mamimili ang hindi na tinitingnan ang mga sangkap na ginamit sa mga ito.

Kaugnay nito, nagbigay-babala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa pagbili ng cosmetic products na mapanganib sa kalusugan.

Sa report ng ASEAN Post-Marketing Alert System (PMAS), 10 cosmetic products ang napag-alamang nagtataglay ng ammoniated mercury at iba pang mapanganib na mga kemikal.

Hindi sumunod sa technical standards na itinakda ng ASEAN Cosmetic Directive (ACD) ang mga naturang produkto dahil nagtataglay ito ng mga sangkap na hindi pinapayagang maisama sa cosmetic product.

Dagdag pa ng ahensiya, mapanganib sa kalusugan ang mercury kahit kaunti lamang.

Ang indibidwal na exposed sa mercury ay posibleng magtamo ng pinsala sa kidney, skin rashes, skin discoloration, scarring at nakababawas sa resistance ng balat sa bacterial at fungal infections.

Gayundin, may epekto ang mercury sa mga buntis dahil posible itong mailipat sa sanggol na posibleng magresulta ng neurodevelopmental deficit sa bata.

Hinimok ng ahensiya ang publiko na ipagbigay-alam sa kanila kung makakikita ng mga nasabing produkto.

Hindi masamang magpaganda pero, dapat nating siguraduhin na hindi nakasasama sa ating kalusugan ang mga ginagamit natin kaya bilang konsiyumer, maging mapanuri sa mga sangkap ng produkto bago ito bilhin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page