Magdyowa, nang mag-bonding sa Japan… SANYA, TANGGAP NA CHAPERONE LANG NINA JAK AT BARBIE
- BULGAR

- Jun 3, 2019
- 1 min read

MAHILIG talaga si Barbie Forteza sa pagkaing Japanese. Tuwing kumakain sila ng BF na si Jak Roberto sa labas ay sa fave Nippon resto sa Morato Avenue mo makikita ang dalawa.
Sa same resto rin nag-treat sa mga close friends niya si Kara ng Kara Mia serye. Kaya ‘di kami nagtaka nang sa Land of the Rising Sun nagbakasyon sina Barbie, Jak at sister niyang si Sanya Lopez.
“Type niyang tumikim ng authentic Japanese dishes,” sey ni Jak.
Hindi naasiwa si Sanya na maging dakilang chaperone sa nasabing bakasyon. Naaliw naman si Barbie sa kulitan at horseplay ng mag-utol.





Comments