May mga hawak daw na ebidensiya sa mga banat sa network… SIGAW NI JIMMY: GAME AKO KAHIT KASUHAN NG D
- BULGAR

- May 30, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

WALANG takot at tuluy-tuloy talaga ang pagbibigay ng pahayag ng singer na si Jimmy Bondoc kontra sa ABS-CBN.
Ang latest, sa interview ni Jimmy sa DZRH, sinabi ng singer na handa siyang ilaban sa korte ang mga binitiwan niyang pahayag laban sa malaking network.
Aniya, “May ire-reserve muna ako na meron ako na konti na mga facts, ano?
“Hindi naman siguro lingid sa kaalaman natin na there is a possibility na maging kaso ito.
“Malamang hindi, ipagdasal ng lahat na hindi. Pero kung sakaling maging kaso ‘yan, nakahanda naman kami.
“I-withhold ko muna ang ibang bagay, kasi that is a legal matter.”
Dagdag niya, “Pero ako po ba ang unang narinig ninyo na nagkuwento ng ganyan tungkol sa network na ‘yan?
“Tao sa tao po — with all due respect sa lahat ng tatamaan — ako po ba ang unang naringgan sa kuwentong ‘yan?”
Sinabi rin ni Jimmy na may nakausap na siyang mga kaibigang abogado na handang tumulong sa kanya.
Gusto ring linawin ni Jimmy na hindi siya nagpapapansin o nagpapasikat sa ginagawa niyang ito.
Saad niya, “Alam ko napakahirap paniwalaan nito, pero wala ho akong balak na magpapansin. Tapos na po ang eleksiyon. Hindi ho ako nagpapapansin.
“Saka medyo nawala na ako sa pagpe-perform except in my own capacity na lang.
“Hindi ko pangarap ngayong sumikat, pero gusto kong makatulong in the last years ng buhay ko dito sa daigdig to correct one social wrong kahit isa lang.”





Comments