Araaaaay! Minarkahan tuloy ang style… BYUTING SEXY ACTRESS, TODO-PROUD NA NAGBE-BAKE, GINAWA PANG N
- Erlida Rapadas
- May 30, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
MAHILIG sa kung anu-anong negosyo ang isang maganda at seksing aktres. Kahit na nga hindi niya linya ang negosyo ay sige siya nang sige at nakikigaya sa ibang celebrities.
Nagbukas siya ng resto, pero hindi nagtagal dahil mismanaged at wala naman siyang sapat na kaalaman dito. Ibang tao ang pinamamahala niya.
Sumubok din siyang pasukin ang negosyo ng paggawa ng pabango, whitening soaps at lotion, pero hindi naman siya mismo ang tumututok sa paggawa ng mga produkto niyang pampaganda. Iba ang mga taong gumagawa ng produkto at bale sinu-supply-an lang siya ng finished product at siya na ang naglalagay ng name niya sa mga ito. Kaya, hindi rin naging successful ang nasabing negosyo.
Sumunod naman ay nahilig siya sa pagbe-bake ng cupcakes, atbp.. Pero, sandali lang din ‘yun dahil nagsawa na siya sa pagbe-bake. Ang tsika, hindi naman daw ang sexy actress ang nagbe-bake kapag may order kasi pinapa-subcontract niya sa ibang baker. Hindi siya mismo ang nagbe-bake ng mga ipinagmamalaki niyang cakes and cupcakes!
Waiting ngayon ang mga tao sa paligid ng sexy actress kung ano ang susunod na negosyong kanyang papasukin at kung saan siya kumukuha ng puhunan.
Коментари