top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sexiest celebrity daw, Erwan… ISKO, UMAMING PANTASYA SI ANNE

Writer: BULGAR
BULGAR
May 26, 2019
2 min read

SA world of showbiz and politics, on top of the game talaga ngayon sina Vico Sotto at Isko Moreno.

Napanood namin ang interbyu nina Boy Abunda at Karen Davila kay Isko. ‘Di mo talaga mapipigilan ang pagha­nga sa bagong halal na mayor ng Maynila sa pag-amin niyang naging basurero siya bago naging artista, konsehal, vice-mayor at ngayon nga ay mayor na.

Here are some details na hindi natin gaanong alam tungkol kay Isko. Unlike Manny Pacquiao who also started from the bottom, si Isko ay talagang tinutukan ang pag-aaral hanggang sa nagtapos siya ng kurso, dalawa pa nga yata.

Nakapag-aral siya abroad and he also took up a course in Law.

He has five kids and has a wife with whom he has been faithful ever since.

Sa interview sa kanya ni Boy Abunda, nakasama niya ang kanyang panga­nay na anak na si Joaquin.

Guwapo ang binata pero mas guwapo si Isko kesa sa kanya. Gustong mag-artista ni Joaquin pero ayaw ni Isko. Mas gusto niyang mag-aral muna ang mga anak niya. Kaso, gustung-gusto na raw mag-showbiz ng kanyang panganay.

Sey ng ama, “Kung ako, hinabol ko na lang ‘yung pag-aaral ko, sila namang mga anak ko, may pagka­kataong maka­pag-aral kaya ang hiling ko na la­mang sa kanila ay bigyan ako ng diploma.”

Nu’ng itanong sa kanya ang hypothetical question na, “Kung babalik ka sa peliku­la, sino ang gusto mong maka­tam­bal na artista?” without batting an eyelash, he said, “Anne Curtis.”

Sexiest na artista para sa kanya?

Anne Curtis din ang kanyang sagot.

For his plans at para makaganti sa utang na loob sa showbiz na kanyang pinanggalingan, balak ni Isko na mag­karoon ng Manila Indie Film Festival pag-upo niya.

Pero priority niya sa mga taga-Maynila ay ang asikasuhin ang problema sa basura.

Hanga kami sa mga sagot niya sa mahihirap na tanong ni Karen Davila. He passed them with flying colors, like ‘yung problema sa mga vendors, plan tungkol sa pagpapaganda ng Maynila, etc.. He knows his statistics and natutumbok niya kung ano talaga ang problema ng kanyang mga nasasakupan.

When asked about his health at kung bakit nangayayat siya, ani Isko, “‘Yung 20 pounds, sinadya kong bawasan. ‘Yung 10 pounds ay nangyari dahil sa hectic campaign namin. Otherwise, I am healthy. Juice ang iniinom ko.”

Dahil nu’ng campaign, marami ang nagsasabing gambler siya, idinenay ito ni Isko.

He said, “Alam ko ang sakla. Alam ko ang tantsing, ang beto-beto,” at nag-mention pa siya ng sugal na uso sa mahihirap, “Nakiki­paglaro ako kapag may lamayan.

“Ito ay dahil gusto kong malaman ng tao na at the stage I am now, kaya ko pa ring tumabi sa ‘yo at amuyin ang putok mo sa kilikili.”

If Isko will prove his worth as mayor of Manila, tila nakikinita na namin ang possibility na maging presidente siya in the future.

Kung si former Pres. Erap Estrada ay naging mayor, si Isko naman ay posibleng maging presidente after being mayor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page