Last call sa mga gustong magpasa ng entry sa 69th Palanca Awards!
Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Calling all aspiring authors, last call na sa pagpapasa ng entries sa 69th Carlos Palanca Memorial Awards na organized at sponsored ng Carlos Palanca Foundation, Inc.
Ang mga aspiring author ay maaaring mamili sa 22 categories at ito ay ang novel o nobela categories; English division (Short Story, Short Story for Children, Essay, Poetry, Poetry Written for Children, One-act Play and Full-length Play); Filipino Division (Maikling Kuwento, Maikling Kuwentong Pambata, Sanaysay, Tula, Tulang Para sa mga Bata, Dulang May Isang Yugto, Dulang Ganap ang Haba, and Dulang Pampelikula); Regional Languages Division (Short Story - Cebuano, Short Story-Hiligaynon, and Short Story-Ilokano); Kabataan Division (kabataan essay - “At a time when spreading of misinformation is getting common, what can you do to help people, especially the youth, search for the truth?” & kabataan sanaysay - “Sa panahon na laganap ang pagkalat ng maling impormasyon, paano mo matutulungan ang mga tao, lalo na ang kabataan na hanapin ang katotohanan?”).
Ang mga gustong sumali ay maaaring magpasa hanggang May 31, 2019 at ipasa ng personal o via courier sa Palanca Foundation office at ground floor, Greenbelt Excelsior Bldg., 105 C. Palanca Street, Legaspi Village, Makati City. Ang lahat ng ipapasa ay dapat printed copies. Hindi tumatanggap ang Carlos Palanca Foundation ng pagpapasa online o via email.
Para naman sa iba pang rules at official entry forms, maaaring bisitahin ang kanilang official website sa www.palancaawards.com.ph. Maaari ring tumawag sa (632) 843-8277 at hanapin si Leslie Layoso o Ester Alfaro o mag-email sa cpmawards @gmail.com para sa iba pang detalye.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo mga katsika, baka kayo na ang susunod na mabigyang ng pagkakataong ma-publish ang inyong mga obra! Sali na!
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments