Ex mo, Sharon, enjoy na enjoy, eh! GABBY, WISH NA PAG-AGAWAN PA RIN NG MGA BATANG BABAE
- BULGAR

- May 25, 2019
- 2 min read

SA romantic-comedy series na Love You Two ay pawang mga mas bata sa kanya ang mga leading ladies ni Gabby Concepcion na sina Solenn Heussaff, Shaira Diaz at Jennylyn Mercado.
Pero depensa ni Gabby, nasa story naman daw kasi na talagang malaki ang age gap ng karakter niya sa mga karakter ng tatlo since ginagampanan niya rito ang role na dashing debonair businessman in his 40s.
Among the 3 actresses ay si Shaira ang pinakabata kaya natanong namin si Gabby kung ano ang pakiramdam na at his age now ay binibigyan pa rin siya ng mga young leading ladies.
“Natitiyempo lang talaga na ‘yung istorya kasi, nandu’n sa younger ‘yung roles nila at ‘yung roles nga nila, parang nababagay sa palitan ng kanilang relationship,” sabi ni Gabby nang makausap namin recently sa taping ng LYT.
Pero ani Gabby ay hindi naman si Shaira ang pinakabata sa mga naging leading ladies niya kundi si Janice de Belen na 14 years old lang daw yata nang makapareha niya sa isang pelikula noong 1982, ang Puppy Love na nasundan ng I’ll Wait For You (If It Takes Forever) noong 1983. That time naman ay 18 lang naman ang aktor.
Bukod nga sa tatlong aktres, sa kuwento ng LYT ay may crush din sa karakter niya ang karakter naman ni Sheena Halili who plays as his secretary kaya kung tutuusin ay apat na girls ang nag-aagawan sa kanya sa serye.
Ayon kay Gabby ay first time niyang nagkaroon ng ganitong role na pinag-aagawan ng four girls at pagbibiro niya, sana, in real life ay ganito rin.
First time rin ni Gabby na makasama ang mga naturang aktres pero ang talagang kapareha niya rito ay si Jen na napakasarap daw katrabaho.
“Tahimik lang, walang ere, very soft-spoken, mapagbigay, nagbibigay siya ng mga regalo, ‘yung cookies niya,” deskripsiyon ni Gabby kay Jen.
Nitong pagdating nga raw ng Ultimate Star galing sa Dubai ay nagdala ito sa set ng chocolate dates.
“Binigyan niya ako ng dates pero iba ang ka-date niya ru’n,” pagbibiro pa ni Gabo na ang tinutukoy na ka-date ay si Dennis Trillo na kasama ng aktres na magbakasyon sa Dubai.
Pero papuri pa ng aktor, napakasipag ni Jen na kahit nilalagnat na ay nagtatrabaho pa rin.





Comments