top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pag-IBIG Fund, naglabas ng P17. 22B sa 1st quarter ng taon!

  • Thea Janica Teh
  • May 23, 2019
  • 2 min read

Bulgarific

HELLO, Bulgarians! Lahat tayo ay may pinapangarap sa buhay, makapagtapos ng pag-aaral, makakuha ng magandang trabaho at magkaroon ng sariling bahay. Kaya naman, sagot na ng Pag-IBIG Fund ang pinapangarap nating bahay dahil sa kanilang home loans!

Maraming miyembro ang nakakuha na ng kanilang sariling bahay. Isang patunay ang inilabas ng Pag-IBIG Fund na Php17.22 bilyon sa home loan ngayong 1st quarter ng 2019! Tumaas ng halos Php3.12 bilyon kung ikukumpara noong 2018 at ito ang naitalang pina­ka­mataas na na-release ng ahensiya sa loob ng tatlong buwan.

Ang nasabing halaga ay nakapagpagawa ng 19,696 bahay para sa Pag-IBIG Fund members. Tumaas ito ng 13% kung ikukumpara noong 2018 sa parehong buwan. 5,789 o 29% ay para sa socialized housing unit para sa mga miyembrong minimum wage at low-income earner.

Ibinahagi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, na ito ang pinakamagan­dang performance ng Pag-IBIG Fund dahil sa patuloy na paglaki at pag­dami ng mga borrower. Ibig sabihin, marami na silang natutulungang ka­babayan natin na magka­roon ng sariling tahanan.

Mula noong January-March 2019, nakamit ng Pag-IBIG Fund ang Php15 billion mark for the first time at tumataas pa taun-taon ng 22%. Sa taong ito, sa loob ng tatlong buwan, halos 30,762 miyembro ang nakinabang at nagkaroon ng sariling tahanan. Nakapaloob din dito ang Php12.03 bilyon na pending for takeout sa 11,066 members.

“Ito ay patunay lamang na patuloy ang pagtaas at paglaki ng bilang ng mga natutu­lungan ng Pag-IBIG Fund at sisi­guraduhin namin na patuloy la­mang ang pagsisikap para ma­rami pang ma­tu­lungan at makakuha ng inaasam nilang taha­nan”, sabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page