Matagal na raw sa pulitika… TONI, KUMANTANG NAKATANGGAP NG DEATH THREATS ANG AMA NU’NG ELEKSIYON
- BULGAR

- May 20, 2019
- 2 min read

USAPANG politics pa rin sa pamilya Gonzaga, tanggap at handa raw sina Toni sa pagkatalo ng daddy niyang si Carlito “Bonoy” Gonzaga sa mayoralty race ng Taytay, Rizal sa katatapos na halalan.
“Yes, prepared kami,” pahayag ni Toni. “Prepared kami sa outcome from the very start. Prepared na ang family namin and Dad did his best. He fought a good fight. He fought clean, that’s more important and what I’m really thankful for after this whole campaign was that he is alive, and that he was safe. And he’s safe up to this day.
“That’s what we are thankful for, after all what he has been through and what we have witnessed throughout the whole campaign. The only thing that we are grateful for is that my dad is still alive and he’s still, he’s still with us and he is happy with his family.”
Tinanong namin si Toni kung nagkaroon ba ng death threat ang daddy niya during the election.
“I don’t wanna go into details about the whole situation that happened, but what I really want to say is that I’m thankful and grateful sa love and support na nakita namin. I’ve never seen this love and support mula sa mga kababayan namin and that is enough for me to be grateful for all the love na na-receive namin.”
Reading between the lines, posibleng nagkaroon ng pagbabanta sa buhay ng daddy ni Toni during the election. Mabuti na lang talaga at ligtas si Daddy Bonoy.
“Ang daddy ko kasi, ano siya, magaling magdala kasi ano ‘yun, eh, matagal sa pulitika kaya alam niya ‘yung mga ganitong pangyayari,” sambit pa niya.
When asked kung paano niya ipinakita ang support sa ama after matalo sa eleksiyon, sabi ni Toni, “Wala naman kasing nagbago sa amin kung paano kami noon, during the campaign and after the campaign, we remain solid as a family. So, wala namang nagbago. Mas umigting ‘yung pagmamahal. Mas masaya kami, actually, kasi mas makakasama na namin siya lagi.”
Kapag nagta-travel daw kasi sila, laging nauunang umuwi ang daddy niya.
“Lagi niya kaming iniiwan kapag nagta-travel kami ng family. Kasi nga, may responsibility siya. Ngayon, sabi namin, puwede na siyang mag-stay with us.”
Samantala, biniro namin si Toni kung ano ang feeling na katrabaho niya muli ang mga “ex” niyang sina Vhong Navarro at Luis Manzano sa Home Sweetie Home Extra Sweet.
“Wala akong ex in the first place,” ngiti ni Toni. “Hindi, wala akong ex dito. Si Vhong, 10 years ago na nu’ng last time na nag-work kami together, sa movie namin na My Only You.”
Sa pagkakaalam namin, nanligaw din si Luis kay Toni noon, pero hindi sinagot ng aktres.
“Si Luis naman, parang ano, sanay na ako na nandiyan siya sa buhay ko kasi sobrang close nila ng kapatid ko. Sobrang lakas nila mag-asaran, parang Tom and Jerry. So, sanay na akong nakikita sila na nagbabangayan sa tabi ko,” ani Toni.





Comments