Buking na kabit ni misis | KATRABAHO, KINATAY NI MISTER
- Levi Gonzales
- May 18, 2019
- 1 min read

NAMATAY habang ginagamot sa pinagdalhang ospital ang isang lalaki matapos pagtatagain ng construction worker sa Bgy. Sto. Cristo, Sariaya, Quezon.
Alas-6:30 ng umaga, nasa loob ng kanilang barracks habang naglalaba ang biktimang si Eufrocino Ferrer, 47, caretaker, nang hindi nito napansin ang pagpasok ng suspek na si Ariel Matibag, 41, saka ito pinagtataga.
Pilit pang inawat ng kanilang katrabaho ang pananaga hanggang siya naman ang binuntunan ng galit at habulin pa nito. Napag-alaman na maaaring ang motibo sa krimen ay ang pagkakaroon umano ng relasyon ng asawa ng suspek sa napatay na biktima.








Comments