top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pahiwatig na makapag-aasawa ng mayaman

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 15, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Shen ng Shen_ Marquez@facebook. com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip na ikakasal daw ako, pero hindi ko kilala ‘yung lalaki na medyo mataba? Sana, masagot ninyo. Thanks! Naghihintay, Lenlen

Sa iyo Lenlen, Noong bata pa tayo, madalas nating inaawit ang “what will be will be?” na nagsasabing “what the future holds for me”. Kumbaga, ano kaya ang magiging kapalaran natin.

Ang pangarap nating ito na makita ang ating future ay nakarehistro sa ating subconcious mind na nangangailangan ng kasagutan. Hindi man kumpleto ang tanong kung ano ang future mo ay sinagot na ito ng iyong panaginip, lalo na ang tungkol sa sino ba ang iyong mapapangasawa. Ang sagot ng panaginip mo ay nagsasabing, lalaking mataba ang iyong future husband.

Dahil simple lang at maiksi ang katangian o pagkakakilanlan ng iyong future husband kahit paano ay masasabing dahil sa siya ay mataba, siya ay may magandang buhay dahil ang mataba ay sinasabing nabubuhay hindi sa kahirapan.

Maaaring sabihin ng iba, ganu’n na ba ‘yun dahil mataba ay maganda ang buhay? Ang kasagutan ay masasalat sa mismong panaginip na na-interpret sa Bibliya. Ito ay ang sikat na kuwento tungkol kay Joseph the dreamer na tulog lang nang tulog, pero naging gobernador ng Ehipto dahil sa galing niyang mag-analisa ng mga panaginip.

Sabi niya, kapag ang baka ay mataba sa panaginip, ito ay sinisimbolo ng masaganang buhay at kapag payat ang baka ito ay simbolo ng kahirapan. Madali lang, ‘di ba, Lenlen, nai-interpret ang kahulugan ng matabang lalaki sa panaginip na iyong pakakasalan?

Mataba, ‘di ba? Eh, di, nabubuhay siya sa kasaganahan. Mayaman,’di ba? Kaya masuwerte ka dahil ang babaeng nakapag-asawa ng mayaman, siyempre, yayaman din.

Sana, nakuha mo ang masaya at nakatutuwang kahulugan ng iyong napanaginipan.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page