top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

'Di lang daw ikaw ang hapi, Vice… ANTON DIVA, TANGGAP NG PAMILYA NG BF!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 11, 2019
2 min read

NAPAKASUWERTE naman ni Anton Diva!

At the age of 42, aminado ang pinakasikat na gay impersonator ni Regine Velasquez na hindi niya ina­asahang may magpo-produce pa ng big concert niya sa Cuneta Astrodome na gaganapin sa June 15.

At ang kanyang “fairy godmother” ay walang iba kundi ang kapwa stand-up comedian-turned public servant na si Teri Onor na nagtayo ng Teri Onor Entertainment Services (TOES Production) kung saan ang Shine XXII AD concert nga ni Anton Diva ang kanyang first major project.

At ang bonus luck pa ni Anton, nakuha niyang guests sina Vice Ganda at Regine Velasquez sa kanyang concert nang walang bayad!

Yes, hindi raw nagpabayad ang dala­wang kaibigan niya, kaya sobrang thankful and grateful si Anton Diva sa kaba­itan ng dalawang Idol Philippines judges.

Hindi nga raw makapaniwala si Anton na hindi lang niya basta nahahawakan ang idol na si Regine kundi kaibigan pa niya at binigyan pa siya ng minus one ng songs nito na priceless para sa kanya. Dati raw kasi ay ginagaya lang niya ito, pero ngayon, gumanda na ang buhay niya dahil sa pag-i-impersonate kay Re­gine. Dumami ang mga shows niya, nag­karoon ng sariling kotse at naging stable na rin naman ang kanyang career.

Inamin din ni Anton Diva na wish niyang magkaroon ng TV exposures tulad ni Vice kaya kung may darating ay iga-grab niya. Pero hindi naman daw siya naiinggit sa kaibigan sa suwerteng duma­ting dito. Ayaw ding patulan ni Anton ang pang-iintriga na mas nauna siyang naki­lala kay Vice pero ngayon, napag-iwa­nan na siya nito.

Happy daw siya para kay Vice dahil alam niyang deserve nito ang tinatama­sang tagumpay nga­yon. Suportado rin niya ang love life ngayon ng kaibigan lalo’t kalat na kalat na ang relasyon ni Vice kay Ion Perez ng It’s Showtime.

Kinumpirma na nga rin ni Anton Diva ang relasyon ng dalawa nang sabihin niyang “Alam naman na nating lahat na sila na, ‘di ba?”

At sa nakikita naman daw niya, ser­yoso na ang relasyon nina Vice at Ion. Deserve naman daw ni Vice ang mag­karoon na talaga ng totoong magmama­hal dito at naniniwala siyang ‘safe’ ang kaibigan kay Ion dahil matalinong tao raw si Vice at ramdam nito kung niloloko lang siya.

Basta sa ngayon daw, haping-hapi si Vice sa piling ni Ion Perez. Tarush!

Pero ‘wag ka, medyo nataob man ni Vice si Anton Diva career wise, pagdating sa love life, mas bongga ang impersonator ni Regine dahil inamin niyang may long-time partner siya na straight guy.

Halos two decades na rin siguro ang relasyon nila ng partner niya na ayaw man niyang pangalanan dahil private person, aniya ay tanggap siya ng pamilya ng guy!

So, sa mga manonood ng Shine XXII AD concert ni Anton Diva sa June 15 sa Cuneta Astrodome, ilibut-libot na lang n’yo ang mga mata n’yo dahil for sure, nandu’n ang secret papa ng magaling at biriterang singer.

Ang Shine XXII AD ay directed by Peter Serrano at guests din ang Raging Divas kung saan parehong dating members sina Anton at Teri Onor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page