Ex-marine soldier tinodas
CAMARINES NORTE — Isang dating sundalo ng Philippine Marines (PM) ang namatay nang barilin ng limang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Basiad, Sta. Elena sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Domingo Cañeba, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nasa labas ng kanyang bahay si Cañeba nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Nabatid na dalawa sa limang suspek na hindi muna pinangalanan ang naaresto ng mga awtoridad at sa kasalukuyan ay isinasailalim na sila sa masusing imbestigasyon.





Comments