SSS, pinaalalahanan ang mga OFW sa makukuha nilang benepisyo
- Thea Janica Teh
- May 8, 2019
- 2 min read
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Bahagi ng programa ng Social Security System (SSS) na matulungan at mabigyan ng sapat na benepisyo ang mga bagong bayani ng ating bansa. Ito ay nakapaloob sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018 kung saan makakukuha ng malaking benepisyo ang mga OFW sa kanilang retirement.
Mula sa data ng SSS noong 2018, mayroong 1.14 milyong OFWs ang registered sa kanilang system at 550,000 dito ay patuloy na nagbabayad ng kanilang kontribusyon. Halos Php5.65 bilyon ang naipamahaging benepisyo sa 63,000 OFW pensioners at members, in short, 89% ng Php6.37 bilyong kontribusyon ay mula sa nakolekta sa mga OFW sa parehong taon.
Inaasahang ang lahat ng land-based OFWs ay kailangang magbayad ng minimum monthly contribution na Php960 o 12% ng bagong minimum monthly salary credit (MSC) sa OFW na Php8, 000.
Kahit isang buwan pa lang ang nababayaran ng OFW mula sa bagong MSC, makakukuha na agad ito ng 61 times in return sa kanyang kontribusyon o Php58,400 sa total lump-sum benefits para sa disability, death at retirement plus funeral grant. Kung sila naman ay nagbabayad ng pinakamataas na kontribusyon o Php2,400 mula sa sahod na Php20,000 ay makakukuha sila ng total na Php116,000.
Bukod pa rito, tataas din ang sickness benefit ng OFW-member mula sa bagong MSC. Mula sa Php150/day, tataas ito ng 60% o Php240/day. Tataas din ang maternity benefit mula Php10,000-Php13,000 ay magiging Php28, 000 na under Expanded Maternity Leave Law.
Para naman sa retirement benefit, ang lahat ng OFWs na nakakumpleto sa 120 monthly contribution sa Php8,000 MSC ay makatatanggap ng Php3,200 kada buwan. Kung sa Php20,000 MSC naman ay makakukuha ng Php8,000 kada buwan. Ibig sabihin, mas mataas na monthly contribution, mas mataas na benefit ang makukuha.
Kaya sa mga OFW, kahit kayo ay nasa malalayong lugar ay ugaliin pa rin ang pag-contribute sa SSS para sa mas malaking benepisyong matatanggap. Sa kasalukuyan, mayroong 26 foreign representative offices ang SSS sa 18 iba’t ibang bansa para matulungan at masagot ang katanungan ng mga OFW member.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo




Comments