top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hotline kontra suicide

Writer: BULGAR
BULGAR
May 7, 2019
1 min read

TUMALON sa mall, nagbigti, lumaklak ng lason at kung anu-ano pang insidente ng pagpapakamatay.

Nagagawang kitlin ang sariling buhay dahil sa hindi na kinakayang problema.

Hindi biro ang pagtaas ng bilang ng mga nagpapakamatay da­hil sa depresyon.

Kaya naman, gumawa na ng hakbang ang gobyerno sa pama­magitan ng pagbubukas ng hotline para sa mga dumaranas ng problema sa mental health.

Ito ay 24-hour hotline na magbibigay-tulong sa mga nakararanas ng mental health crisis.

Puwedeng tumawag sa 09178998727 at 989-8727.

Batay sa datos, 3.5 milyong Pinoy o 4% ng populasyon ang mayroong mental health issue.

Ayon sa World Health Organization (WHO), 800,000 katao ang namamatay dahil sa suicide kung saan ito umano ang dahilan upang maging pangalawa sa pangunahing sanhi ng pagpapakamatay ng mga indibidwal na nasa edad 15 hanggang 29.

Kaya napakalaking tulong ang nasabing hotline para sa mga kababayan nating may pinagdaraanan at walang ibang matakbuhan.

Bagama’t, may hotline na bukas 24/7, mabuti pa ring tayo mismo ang makausap ng mga mahal natin sa buhay kung sila ay may pinagdaraanan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page