After biglang layasan, ganu'n-ganu'n na lang… KALAT NA: JOHN LLOYD, BALIK-SITCOM NILA NI TON

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MATAPOS kumalat ang ‘pagbabalik’ ng aktor na si John Lloyd Cruz kung saan muli siyang napapanood bilang bagong endorser ng isang shawarma brand mula sa mahaba-haba ring pagkawala sa showbiz para mamuhay nang simple kasama ang kanyang maybahay na si Ellen Adarna at anak, mainit na pinag-uusapan ngayon na babalik na rin daw si JLC sa huling palabas na ginawa niya sa Kapamilya Network, ang sitcom na Home Sweetie Home. Gumaganap siya rito bilang si Romeo na asawa ng female lead na si Julie played by Toni Gonzaga.
Sa bagong episode kasi ng Home Sweetie Home, nabanggit ni Julie (Toni) ang character ni John Lloyd kahit matagal na itong wala sa show.
Ang siste, nagpadala si Romeo ng sulat kay Julie kung saan sinasabi niyang hindi na raw siya masaya sa buhay-mag-asawa nila kaya nagpaplano na itong mag-file ng annulment.
Marami tuloy netizens ang naniniwala na balik-showbiz na rin ang aktor matapos mag-indefinite leave.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
“Naiyak ako, promise. Romeo is coming back!”
“When ba kasi magbabalik si Romeo? Oh my God!!!”
“John Lloyd is coming back.”
“Nakaka-miss si John Lloyd dito.”





Comments