top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

In love talaga sa GF, sinorpresa pa nu'ng b-day… LOISA, NAPATAWAD NA NI RONNIE SA VIDEO SCANDAL

Writer: BULGAR
BULGAR
May 3, 2019
1 min read

SA kauna-unahang pagkakataon ay nakapana­yam ng Cinema News ang magkasintahang sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio pagkata­pos kumalat ang video scandal diumano ng Kapamilya actress.

Ayon sa magkasintahan, ang mahalaga ay nagkaka­intindihan silang dalawa at alam nila kung ano ang totoo sa hindi.

Pahayag pa ni Loisa, naging sila ni Ronnie ‘di dahil sa dikta ng ibang tao kundi dahil sa ka­nilang sariling desisyon, lalo’t ‘di naman sila ini-launch noong una bilang magka-love team.

Naikonek ng marami ang natu­rang sex video sa nabalitang pagkakalabuan nina Loisa at Ronnie nu’ng July last year, dahil ito rin ang buwan na nakalagay sa nai-record na video.

‘Di naging malinaw ang rason ng nabalitang tampuhan ng dalawa pero tumanim sa isip ng marami ang nabitawang salita ni Ronnie na may mabigat silang pinagdaraanan ni Loisa.

Pero kung ang Diyos nga ay nakakapagpatawad, bakit ‘di niya naman ito maibibigay sa babaeng minamahal?

Agosto nang matuldukan ang malalim na hid­waan ng dalawa nang magkita sila sa isang event at makapag-usap.

‘Di man nagkaroon ng diretsahang pagsagot sa isyu kung siya ba talaga ang nasa sex video o hindi, pero ang sigurado lang ay nananatiling matatag at matibay ang relasyon nina Loisa at Ronnie sa kabila ng mabigat na pinagdaanan nila, kung saan nahusga­han nang husto ang reputasyon ng Kapamilya actress.

Patunay nga nito ay ang paghahanda ni Ronnie ng isang surprise intimate birthday celebration para kay Loisa kamakailan na dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan ng GF.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page