top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sabay hawak sa 'flower' dahil napunit daw… RUFA MAE, TUMAMBLING PA MAIPAKITA LANG NA MAY &#3

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 29, 2019
  • 1 min read

ALTHOUGH very much willing pala si Na­dine Lustre na gu­manap sa papel na Darna, hang­gang ngayon, wala pang lumalabas na formal announcement from Star Cinema kung sino sa mga Darna wannabes ang magpe-play ng only woman superhero in the Philippines.

Here are the names of those willing to portray the legendary character — Janella Salvador, Julia Barretto, Pia Wurtzbach and Catriona Gray.

Sa interview sa komedyanang si Rufa Mae Quinto, napag-usapan din ang possibility na siya kaya ang gumanap bilang Darna. Aba’y na-excite ito at idinemon­streyt pa kung paano ang version niya sa pagsigaw ng “Darna!”

Nagpaalam din siya sa guesting niya sa show ni Boy Abunda na aalisin ang kanyang high heels at pagkatapos ay nagpa-tumbling-tumbling muna ito bago itinaas ang right hand, hiningi ang bato kay Ding at presto, sumigaw na nga ng famous line na “Darna!

Naging comedy ang eksena dahil pagkatapos nito, naupo ito at biglang tinakpan ang lower part ng body between her legs. At siya rin mismo ay natawa nu’ng sabihin niya kay Kuya Boy ang mga katagang, “Ay, napunit!”

She begged Star Cinema pa by saying, “Sige na, please?”

‘Pag nagkataong si Rufa Mae ang Darna, from action, magiging comedy ang pelikula.

Why not? It may attract more viewers, for all you know, ‘di ba?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page