May kaugnayan sa terorismo | 37 BINITAY SA SAUDI ARABIA
TATLUMPU’T PITO katao ang binitay dahil sa umano’y kaugnayan ng mga ito sa terorismo sa Saudi Arabia.
Naganap ang pagbitay sa Riyadh, holy cities ng Mecca at Medina, central Qassim province at Eastern Province na teritoryo ng Shia minority.
Ayon sa pahayag ng Saudi Press Agency (SPA), binitay ang 37 indibidwal dahil sa umano’y kaugnayan ng mga ito sa terorismo at pagbuo ng mga grupo na layong guluhin ang seguridad.
Gayunman, ang isa sa mga binitay ay ipinako sa krus dahil ito ang parusa para sa serious crimes.
Batay sa tala, nasa 100 na ang binitay sa bansa mula noong Enero.
Matatandaang, ilang beses nang nagpahayag ng pagkabahala ang human rights experts tungkol sa hindi patas na pagdinig sa Saudi Arabia.
Ang sinumang mahapang nagkasala sa terorismo, homicide, rape, armed robbery at drug trafficking ay mahaharap sa death penalty sa naturang bansa.





Comments