top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

May fake ba, Sen. JV? JINGGOY, IPINAKILALA ANG SARILI BILANG 'ESTRADANG TUNAY'

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 26, 2019
  • 1 min read

SA phone patch interview ng DZRH anchors na sina Mr. Deo Macalma at Ms. Milky Rigonan sa senatoriable na si Jinggoy Ejercito Estrada, natanong ang anak ni Manila Mayor Erap Estrada kung hindi ba niya nami-miss si Sen. Leila de Lima na naging kapitbahay niya sa Crame?

Ang kanyang sagot, “Hin­di ko siya nami-miss” with matching laughter on the side.

Tanong uli, “Napapanood namin ang inyong bagong tv commercial, Sen. Jinggoy, Estradang tunay. May fake pa po ba na Estrada?

Sagot ni Jinggoy, “Wala akong sinasabing ganu’n. Wala namang fake na Estra­da. Kaya naman naging “tu­nay” ‘yun, kasi ang number ko sa balota ay 29. So, 2-9. Tunay na Anak ng Masa, ga­nu’n. Pero wala akong pina­tu­­tungkulan doon,” sagot ni SJEE.

Tanong ni Mr. Deo Macal­ma, “Kidding aside, Senator, sa palagay ninyo ay magka­ka­ayos pa rin kayo ni Sen. JV?”

Sagot ni Jinggoy, “Kung sa akin, walang problema. Alam mo, kaibigang Deo, napakatagal nang sinasabi ng tatay ko ‘yan, noong araw pa, na kailangang magkakasundo lahat ng mga magkakapatid.

“Alam mo, I tried to reach out since then, noong bago lang akong senador. I tried to reach out, kaso talagang hindi ko malaman kung bakit hindi nagwo-work out dahil lahat ng aking mga kapatid, kasundo ko lahat, mahal ko lahat sila. In fact, noong 75th birthday ng tatay ko, pati mga kapatid ko sa Amerika, pinauwi ko para lang mabati ang aming ama. Lahat naman ‘yan, kasundo ko.”

Mabuti naman kung ga­nu’n. At least, hindi nila pina­marisan sina Cain at Abel.

‘Yun na! Insert smiley,J!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page