top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya 'di makabalik sa TV… KRIS, AMINADONG INAAYAWAN NG MGA NETWORK DAHIL DILAWAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 24, 2019
  • 2 min read

ILANG taon nang hindi napapanood sa telebisyon si Kris Aquino at talagang ang parating itinatanong sa kanya ng mga followers niya sa Instagram ay kung kailan siya magbabalik sa TV.

Ito rin ang itinanong sa kanya sa presscon niya last Monday kasama ang cousin-in-law na si Timi Aquino (wife of re-electionist senator, Bam Aquino).

Pero ani Kris, tanggap naman niya ang kato­tohanan na ayaw sa kanya ng mga networks. May katotohanan naman daw talaga ang sinasabi ng marami na “You don’t want to be associated with the color yellow,” na as we all know ay trademark color ng mga Aquinos.

Pero okay lang naman daw ito sa kanya dahil merong something big na inihahanda for her ang isang malaking kumpanya.

There is something coming from a company worth siguro based on revenue, ha, kasi basing it on 2017 revenue of each of the network versus this company. A company that has more than 10x the revenue of each of the two networks, meron silang malaking inihahanda na excited akong gawin pero hindi ko magagawa until makapasa ako doon sa…

“Because they also need to be insured, because kung hindi ko ma-complete dahil naglabas sila ng malaking pera for the project, then the insurance company has to sign off on that. Very Hollywood na ngayon.

“So, kailangang makapasa ako nu’ng physical because it does require a certain level of physicality,” pahayag ni Kris sa presscon last Monday ni Timi Aquino na asawa ni Senator Bam Aquino.

Sa Singapore raw siyempre gagawin ang physical test kung saan siya regular na nagpapa-check-up. This will be done in June at kapag nakapasa, sobrang excited daw siya na gawin ang project.

Because it’s something that on first reading pa lang, sinabi ko, ’This is it.’ ‘Yung parang sinabi ko na ang tagal kong hinintay kung ano ‘yung tama at kung ano ang bagay. Fingers crossed,” sey pa ni Kris.

Samantala, all-out ang support ni Kris sa kandidatura ng pinsan niyang si Sen. Bam to the point na nag-sponsor pa siya ng presscon para rito. Kahit bawal sa mga endorsement contracts niya ang mag-endorse ng pulitiko, ginawan daw ng paraan ng mga lawyers niya na wala siyang lalabagin sa kontrata.

“I can’t say the word ‘vote.’ I’m obeying several contracts that say ‘bawal.’ So, as you can see, this is lawyers’ check for me kung ano’ng puwede kong gawin. So, this is the closest that I could come and I could say, of course, the number, No. 9 (numero ni Bam sa balota). And as you can also see, si Timi ang katabi ko, hindi ‘yung kandidato,” she said.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page