Kelot nakumpiskahan ng shabu sa checkpoint
Pabs Hernandez III
Apr 22, 2019
1 min read
MAGUINDANAO—Isang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu, kamakalawa sa police checkpoint sa Bgy. Kiladap, Talitay sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Mastura Hassan, nakatira sa naturang lalawigan.
Nabatid na napadaan sa police checkpoint si Hassan at nang kapkapan ay nakumpiskahan ito ng isang sachet ng shabu.
Nakapiit na si Hassan na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments