top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Eroplano at helicopter nagbanggaan, 3 dedbol

Joy Repol Asis
Apr 16, 2019
1 min read

DEDO ang tatlo katao matapos ang banggaan ng eroplano at helicopter sa Nepal.

Nagmamaniobra umano ang eroplano sa runway nang tumama ito sa nakaparadang helicopter sa Lukla Airport.

Maiksi lamang ang runway at ito ay pinaliligiran ng mga bundok kaya pahirap sa mga piloto ang pagpapalipad.

Nasawi ang piloto ng eroplano at dalawang pulis na nakatayo malapit sa helicopter.

Ang dalawang eroplano ay galing sa iisang kumpanya na nagdadala ng mga turista na umaakyat sa Mount Everest.

Iniimbestigahan na ang sanhi ng nasabing insidente.

Nauna rito, 2008 nang 18 katao ang namatay din nang subukang lumapag ang eroplano sa nasabing airport.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page