top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nagpaalam na raw kay Mariel… SIGAW NI ROBIN: HANDA AKONG MAMATAY PARA SA BAYAN!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 14, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

Photo : Robin Padilla

KILALA ang aktor na si Robin Padilla bilang isa sa mga celebrities na supporter at malapit sa administrasyon ni P-Digong.

Ginamit ni Binoe ang kanyang Insta­gram account para ipagtanggol si da­ting Special Assistant to the President Bong Go na tumatakbo ngayon sa pagka-se­nador at nadadawit sa isyu ng droga dahil diumano sa tattoo sa kanyang likod na nagpapatunay na miyembro siya ng isang malaking drug syndicate.

Noong Huwebes (April 11), nag-post si Robin ng litrato niya kung saan maki­kita na nakaturo siya sa likuran ni Bong Go habang nagbabasa ito ng diyaryo.

Panimula ni Robin, “Tingnan mo nga naman ang mga mapaggawa ng kwento dito sa Inangbayan!”

Patuloy niya, “Akala ko ba, may tattoo si Heneral Bong Go sa likod? Ina­bangan ko talaga ang pag-alis niya ng t-shirt para ako mismo ay makita ko ang katoto­ha­nan!

“Kaya eto ko, na­gim­­­bal sa nakita ko sa likod ni BONG GO! Hin­di po tattoo kundi bentosa ng albularyo ang bumu­laga sa akin.”

Sa naturang Insta­gram post, nagbigay din ng pahayag ang action star para sa poli­tical multi-party na Otso Diretso tungkol sa pla­no nilang pagbisita sa Scar­borough Shoal.

Nag-eensayo kami ng jet ski para kung sa­kaling totoo ang sina­sa­bi ng otso-otso na sila’y lulusob ng Spratly Island ay masama­han namin sila at maalala­yan,” pahayag ni Robin.

Dagdag pa niya, “Seriously, kapag naghamon kayo, ‘yun totohanin n’yo.”

Nagbanta rin ang aktor sa senatorial line-up na nasa opposition ni P-Digong.

Ani Robin, “‘Wag nating idamay ang pangulo o ang sandatahang lakas para hindi maging state sponsored move­ment kundi patriotism lang.

Dagdag pa niya, “‘Wag n’yo ako subukan mga Otso-Otso matagal na akong nakapagpaalam sa asawa ko at mga anak. Batid nila ang aking pag­nanais na mamatay na isang bayani at ang papatay ay dayuhan, ayaw ko ng kapwa Pilipino.

“Magdahan-dahan kayo sa kaha­hamon dahil may tunay na katipunero dito sa hanay ni Mayor PRRD. I am ready, just tell me when Otso-Otso, I am willing to die for my country and for my people. I’m begging you Otso-Otso let’s do this and be martyr,” pag­tatapos ni Robin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page