Dagdag-sahod sa probinsiya, oks na rin


GOOD news sa mga manggagawa sa Ilocos Region!
Simula ngayong Abril 30, epektibo na ang P30 dagdag-suweldo sa mga minimum wage earner.
Ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) dahil sa nasabing dagdag-sahod, P340 na ang magiging daily minimum wage rate sa rehiyon.
Base sa wage order, may dagdag na P30 kada araw ang mga manggagawang tumatanggap ng P310 daily sa mga establisimyento o kumpanya na 30 o higit pa ang empleyado.
Samantala, P25 kada araw naman ang dagdag sa mga manggagawang tumatanggap ng P285 daily na nagtatrabaho sa mga establisimyento na ang empleyado ay 10 hanggang 29 lamang.
Habang P17 naman ang dagdag-suweldo ng mga kumpanya na may 10 empleyado pababa.
Ang nasabing dagdag-sahod ay makaraan ang idinaos na public hearings at board meetings kung saan pinag-aaralan kung magkano ang ibibigay sa mga empleyado na babalanse rin sa mga employer.
Maaaring hindi ito sasapat sa pangangailangan ng pamilya pero, makatutulong na rin para sa ibang gastusin.
Sadyang kailangan talagang galingan pa ang diskarte sa pagba-budget sa gitna ng kaliwa’t kanang taas-presyo ng mga bilihin at serbisyo.





Comments