Seryoso raw sa gay comedian… ION KAY VICE: HANDA AKONG MASAKTAN NANG PAULIT-ULIT MAPASAYA KA LANG
- BULGAR

- Apr 13, 2019
- 2 min read

MAGMULA nang napabalitang may relasyon sina Vice Ganda at Ion Perez, maraming netizens na ang kinikilig sa dalawa tuwing sila’y napapanood na magkasama sa programang It’s Showtime.
Gaya na lang nitong last April 11 (Thursday) episode ng Kapamilya noontime show, muling pinakilig nina Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez and madlang pipol nang mag-asaran silang muli with “Ate Girl” Jackque Gonzaga.
Sa segment na KapareWho ay nagtanong si Vice ng mga gagawin nila sa iba’t ibang sitwasyon (para sila’y maging masaya) at sinabi naman ni Ion sa kanya na, “Okay lang ako masaktan, maging masaya ka lang.
“Doon ko ipaparamdam sa taong mahal ko na sobrang importante siya sa akin,” dagdag pa ni Ion.
“Isa-sacrifice ko ang lahat tulad ng masaktan man ako nang paulit-ulit para maging masaya ka,” sagot pa ni Ion nang tanungin ni Vhong Navarro kung ano ba ang mga bagay na kaya niyang isakripisyo para sa komedyante.
Nang tanungin naman siya ni Vice Ganda kung “naglolokohan” na lang ba sila ay sinagot naman siya nito ng “Never ako nakipagbiruan sa ‘yo… Sa ngiti lang ‘yun, pero ‘yung nararamdaman ko sa ‘yo, seryoso.”
Kinilig ang madlang people at hindi rin naman nagpahuli si Jackque sa mga banat nila.
Kamakailan ay naging trending topic sa social media na may ugnayan sina Vice Ganda at Ion ngunit hindi naman ito kinumpirma ng dalawa.
Balitang isasama ni Vice sa kanyang series of concerts sa US si Ion ngayong Mayo, 2019. Dito malalaman kung may mabubuo bang mas malagkit na samahan sa dalawa.
‘Yun nga lang, nasa line-up din daw si Ate Girl Jackque sa nalalapit nang USA concert tour ni Vice.
“Ano ka ba? Dekorasyon lang si Ate Girl. Para maligaw ang atensiyon ng mga tao na sina Vice at Ion ang magdyowa,” sabay tawa ng aming ka-chat na si Lucky Laotingco ng Grey Hardware, Makati.





Comments