top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Piktyur na magkatabi sa b-day party ng anak, kalat na… GRETCHEN KINA MARJORIE AT EX-MAYOR RECOM: OH,

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 12, 2019
2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

PINAG-UUSAPAN sa social media ngayon ang na-upload na litrato sa Instagram account noong Martes (April 9) ng isang photo-video coverage company na kuha sa 7th birthday celebration party ng bunsong anak ni Marjorie Barretto na si Erich.

Naka-focus kina Julia Barretto at Erich ang litrato pero matatanaw mo sa likuran ang magkatabing si Mar­jorie at ang rumored long-time partner niyang si dating Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri.

Taong 2008 pa sinagot at itinanggi ni Marjorie ang isyu sa kanila ng dating alkalde ng Caloocan City kung saan pareho pa silang naglilingkod sa kanilang siyudad bilang councilor at mayor.

“There’s nothing to clear and I don’t owe anybody an explanation.

“Wala ring dapat iklaro si Mayor Recom, wala siyang dapat ipaliwanag o klaruhin dahil nadamay nga lang ‘yung tao,” ang naging pahayag ni Marjorie.

Samantala, hindi rin nakalusot kay Gretchen ang litratong ito nang may isang netizen ang nag-tag sa kan­ya.

Tanging, “Oh, how sweet,” lang ang naging komento ni Gretchen.

Kung matatandaan, sa isang Instagram Live ni Gretchen noong March 21 kasama ang kapatid na si Claudine, inungkat niya ang relasyon nina Marjorie at Recom nang ipagtanggol niya si Kier Legaspi laban kay Dani Barretto at sa ina nito.

Ani Gretchen, “Kier Legaspi was not a wealthy father.

“Siguro, kung may kasalanan si Kier kay Dani is ‘yung hindi siya mayaman.

“Hindi siya mayor ng Caloocan, ng ganu’n, ‘di ba, na wala siyang limpak-limpak na pera.

“‘Yun lang ang kasalanan ni Kier.”

Naniniwala naman ang lahat na isang honest mistake ang pagkaka-upload ng litrato dahil matapos ang dalawang oras ay binura rin ito agad ng photo-video coverage company sa kanilang Instagram account.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page