top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Akala mo brusko, kakaibang glorya pala ang hanap… HUNK ACTOR NA PANTASYA NG BAYAN, HULING LALAKI A

Janice DS Navida
Apr 8, 2019
1 min read

BLIND ITEM:

SA totoo lang, ikinagulat namin ang chika ng aming reliable source na personal na nakakita ng nakakalokang ginawa ng hunk actor na pantasya ng bayan pa naman ang image sa showbiz.

Maging ang aming source ay naloka dahil guwapo at hunk nga ang aktor na nasa 20’s pa lang, pero hindi pala seksing girlash ang type nito kundi kapwa niya lalaki!

Kitang-kita raw ng aming source ang pakikipaglaplapan ng hunk actor sa kasama niyang young actor din sa isang sikat at high-end bar sa BGC, The Fort. Hindi lang daw niya makunan ng picture dahil baka makita siya at pagsimulan pa ng away.

Pero lokang-loka ang aming source na tumawag sa amin at itsinika ngang sobrang disappointed siya na pa-mhin lang pala ang hunk actor pero berde rin ang dugo.

Kung hanggang kelan magtatago sa kanyang kapa ang hunk actor, ‘yun ang ‘di namin alam. Basta ang malinaw ngayon, kakaibang glorya sa piling ng kapwa lalaki pala ang hanap niya.

‘Yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page