Ipapalabas sa April 14… MAINE, ARJO AT ALDEN, SAMA-SAMA SA ISANG PROJECT
- BULGAR

- Apr 7, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

NAGSAMA-SAMA pala sina Maine Mendoza, Arjo Atayde at Alden Richards kasama ang ilan pang Filipino artists para sa pagsuporta sa proyekto ni Archbishop Soc Villegas at ni Manay Ichu Maceda, ang A World at Prayer is a World at Peace.
Ang naturang proyekto ay mapapanood sa April 14, Palm Sunday, sa mga sinehan at maging sa social media platforms. Mapapanood din ito sa GMA-7 at ABS-CBN.
Si Archbishop Villegas ang brainchild ng naturang advocacy video at hinihimok niya ang lahat na magdasal para umiral ang kabutihan at kapayapaan sa buong mundo.
Ang nakakatuwa, ang lahat ng mga artistang kasali sa project ay libre ang serbisyo. Wala silang hininging bayad.
Hindi lang namin alam kung may pagkakataong nagkadaupang-palad sina Arjo, Maine at Alden sa naturang proyekto.





Comments