Babaeng scared lumabas sa comfort zone

Dear Roma,
Ako si Janine, 22 years old. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay sobrang weak kong tao. Hindi ko maiwasang maging negative sa sarili ko. Madalas akong sumuko sa mga problema at madalas akong pinanghihinaan ng loob. Nahihirapan akong magkaroon ng kumpiyansa sa sarili ko. Natatakot akong lumabas sa comfort zone ko. Ano ang maipapayo ninyo sa akin na dapat kong gawin? — Janine
Janine,
Alam mo, sis, kaya ipinagkaloob sa atin ang mga problema ay para tumibay tayo at hindi para talikuran o sukuan. Paano mo malalaman ang pakiramdam na masaya ka kung hindi mo alam ang pakiramdam nang maging malungkot? Paano mo malalamang matagumpay ka hindi mo pa nararanasang matalo sa buhay? Minsan may nagsabing “sa panahon na kailangan mo ng tulong at lingap, una mong lapitan ang Diyos, dahil ang tulong ng tao ay may limitas-yon, ngunit, ang Diyos ay hindi mauubusan ng paraan para lingapin ka.” The more na nakikita mo na mahina ka, the more na dapat kang gumawa ng paraan para lumakas. Kung hindi mo kayang labanan ang iyong sarili para umunlad, isipin mong gagawin mo ito hindi para sa iyo kundi para sa mga taong umaasang kaya mo. Kung gusto mong i-explore ang mga bagay na sa tingin mo ay makabubuti sa iyo, i-try mo! Eh, ano kung mag-fail ka? Kapag nag-fail ka, subukan mo ulit. Pero, kung ginawa mo na ang lahat at wala pa rin, huwag kang panghinaan ng loob, isipin mo na lang na baka hindi ka talaga para ru’n at i-try mo na lang ang ibang bagay na makabubuti para sa iyo. Be positive, sis!





Comments