top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tinangkang gahasain ng mga lalaking hindi kilala

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Karissa ng Karissa_Espiritu@face-book.com

Dear Professor,

May bestfriend akong lalaki na kasama ko sa panaginip kung saan nasa bahay kami habang nag-iinuman.

Sinabi ko sa bestfriend ko na huwag na siyang uminom, tapos pumasok ako sa kuwarto at sumu­nod siya sa akin.

Doon ay tinangka niya akong rape-in, sa takot ko, ginising ko ang mga ka­sama namin at gumi­sing naman sila, tapos, nang gumising na sila biglang may bumaril sa bahay namin, lahat ng tao ru’n ay patay pati ang best­friend ko.

Ang nabuhay lang ay ako at isang lalaki.

May mga pulis na du­mating at pagkatapos nu’n, ‘yung lalaki na bu­hay at ako ay mag-asawa na kung saan may anak na kami.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Karissa

Sa iyo Karissa,

Totoong weird ang pa­naginip mo, pero maa­aring ma-weird ka rin sa sinasabi ng panaginip mo na ang bestfriend mong lalaki ay ang magiging ka­relasyon mo.

At ang mas lalong weird ay ang babala ng pa­naginip mo na kapag na­lasing kayong dalawa ay magiging kayo na.

Pero, ang pinaka-weird ayon sa panaginip mo ay makapag-aasawa ka sa malayong panahon at hindi ang bestfriend mo na nasa panaginip mo.

Bago dumating ang takdang panahon ng iyong final na pag-aasawa, may mga ilang makarerelasyon ka na ang iba ay LDR o long distance relation­­ship, ngunit, ang nakatutuwa ay ang katotohanang mara­mi sa kanila ay mga fo­reigner.

Gayunman, sa muling pag-ikot ng iyong kapala­ran “the final episode of your love life”, isa sa ma­lapit mong kaibigan ang makatutuluyan mo.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page