top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sakto ngayong usung-uso ang swimming, mga besh! 5 HACKS PARA HINDI MAG-DRY ANG BUHOK

Donna Thea Topacio
Apr 2, 2019
1 min read

No Problem

SINO ba ang hindi maiinis kapag pumangit ang buhok dahil sa paliligo sa pool o dagat? Nakaiirita kaya ‘yung feeling na kahit anong suklay mo, eh, dry na siya! Hays! Pero, para maagapan ang pagkaka­roon ng matigas na buhok pagkatapos mag-swimming, na­rito ang ilang hacks para rito:

1. HAND LOTION. Ooops, weird ba? He-he-he. Ayon sa mga eksperto, keri umanong matanggal ng hand lotion ang dryness ng ating buhok lalo na kung wala ka na talagang choice. Wow!

2. MAYONNAISE. Dehins lang pala masarap ang mayonnaise dahil epektibo rin itong panlaban sa pagiging dry ng ating buhok. Para magawa ang paraan na ito, maglagay ng mayonnaise sa buhok at patagalin ito ng 20 minuto bago mag-swimming. Easy, ‘di ba?

3. EGG HAIR MASK. Kayang i-replenish at i-restore ng itlog ang softness and shine ng buhok, gayundin kayang patibayin ng egg white ang hibla ng buhok, kaya kung makikipagsabunutan ka, besh, alam mo na, ha? Joke! He-he-he!

4. DRY SHAMPOO. Kung medyo sticky, dry at oily na ang inyong buhok, dry shampoo lang ang katapat ni­yan. Dagdag pa rito, magiging mabango rin ang inyong buhok kahit hindi pa kayo naliligo. Bongga!

5. CONDITIONER. Marahil, marami sa atin ang gumagawa ng hack na ito dahil epektibo talaga, maglagay ng conditioner sa buhok bago mag-swimming sa pool o dagat nang sa gayun ay hindi kumapit ang chlorine na may hindi magandang epekto rito.

Oh, ayan, dehins na kayo mamumroblema sa pagkakaroon ninyo ng dry hair. Ga­win lamang ninyo ang mga tip na ito at siguradong no worries na kayo.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page