Batang Matibay 2019, halina’t kilalanin!
Bulgarific
HELLO, Bulgarians! Sabi nila, ang edukasyon ang tanging maipamamana ng mga magulang sa kanilang mga anak ngunit, minsan, hindi ito naibibigay dahil sa iba’t ibang kadahilanan. Minsan, sa sobrang hirap ng buhay, sa layo ng eskuwelahan mula sa tahanan, problema sa pamilya o sa kapansanan. Ngunit, may sampung batang natatangi na sa kahit anong sitwasyon at pangyayari ay hindi napanghinaan ng loob at nagkaroon ng tibay at lakas para abutin ang kanilang mga pangarap.
Kaya naman ang Bear Brand Fortified kasama ang Department of Education (DepEd) ay nagkaroon ng Batang Matibay Awards na nagsimula noong 2018 para kilalanin ang mga katangi-tanging mag-aaral na nagpapamalas ng tibay sa buhay.

Ang mga Batang Matibay ay mga mag-aaral mula Grades 5-6 na nagsisilbing huwaran at inspirasyon sa kanilang pamilya, paaralan at komunidad. Dahil sa kanilang taglay na tibay ng katawan, isipan at kalooban, nagpakita sila ng determinasyon para harapin ang bawat pagsubok ng buhay. Mayroon silang positibong pananaw para makatulong hindi lang sa kanilang pamilya kundi pati na rin sa kanilang mga kamag-aral, guro at kabaryo.
Sampu ang napiling pangalan na Batang Matibay 2019, ito ay sina Suhel Alfonso ng Lomopog Elementary School Midsayap, Cotabato; Mark Wilson Allado ng San Fabian Integrated School, SPED Center San Fabian, Pangasinan; Jecil Chua ng Caranan South Elementary School Caranan Pasacao, Camarines Sur; Lindsay Cortez ng Rodrigo D. Mabitad, Sr. Elementary School Panabo City, Davao del Norte; Pauline Padilla ng Morente Elementary School Bongabong, Oriental Mindoro; Jeremy Palma ng Tangan Tangan Elementary School San Jose, Tarlac; Aracely Paner ng Tambangan Elementary School Bulalacao, Oriental Mindoro; Ian Quinto ng Lalaan Central School Silang, Cavite; Otoy Suligan ng Mirayan Elementary School Gloria, Oriental Mindoro at Jhon Vito ng Amado V. Hernandez Elementary School Tondo, Manila.
Ang bawat isa ay mag-uuwi ng Php20, 000 cash, Batang Matibay plaque of recognition, Batang Matibay jacket, Bear Brand fortified giftpack at AMA Education System college scholarship grant. Hindi lang ‘yan, dahil ang eskuwelahang inirerepresenta ng bawat mag-aaral ay mag-uuwi rin ng laptop computer, Batang Matibay plaque of recognition at Bear Brand giftpacks!
Congratulations sa lahat ng mag-aaral na may tibay ng loob at lakas para abutin ang kanilang mga pangarap. Patuloy kayong maging inspirasyon sa lahat. Padayon!
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments