top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magsasaka niratrat ng mga armado

Pabs Hernandez III
Mar 30, 2019
1 min read

MASBATE—Isang magsasaka ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Rizal, Batuan sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Romeo dela Vega, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, habang nasa labas ng kanyang bahay si Dela Vega ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page